“KUYA…” Mabilis na idinilat ni Lucas ang mga mata sa pagtawag na iyon ni Janus. “Aalis na ba tayo?” tanong pa nito habang kinukusot ang mga mata. “Hindi pa pero nagugutom na kami. Kumain na tayo, please lang. Nakailang init na ako sa tatlong box ng pizza na pina-order mo.” Agad siyang bumangon. Nakita niyang naroon na sila Leo at Aries na kausap si Six. “Ano’ng nangyari?” “Dead on arrival si Nyel. Sa nangyari sa kanya, hindi malabong mangyari iyon,” tugon ni Layne. Alam niya ‘yon. Napakalaki ng naging damage sa balakang hanggang sa paanan ng lalaki. Nahirapan na rin itong huminga noong nilapitan niya. “Lucas, kumain na muna tayo,” yaya ni Six na mababakas na rin ang pagod sa mukha. Hindi na muna siya magtatanong tungkol sa nangyari. Alam niyang pagod na rin sina Layne—pag

