HINDI mapakali si Six habang kanina niya pa ni-re-rewind sa kanyang isipan ang tagpong nabungaran paglabas ng gate. Tumilapon si Nyel pagkatapos itong sagasaan ng kotseng kaparehong-kapareho ng sinasakyan nito—kahit ang plate number nito ay magkapareho rin. Impossibleng mangyari iyon. Kanina niya pa iniisip na baka naisahan sila pero may hindi siya maintindihan sa nangyari. Napaupo siya sa gutter kung saan nakaparada ang sasakyan ng binata. Katatawag lang sa kanila nina Leo at Aries saka sinabing dead on arrival si Nyel. Hindi iyon imposible dahil inatrasan pa ito ng kotse matapos itong masagasaan at tumilapon. “Six, ayos ka lang ba?” tanong ni Layne na tumabi sa kanya. “Sa palagay mo, sino sa kanilang dalawa ang may fake na plate number?” “Natural, iyong pangalawa. Authentic ‘

