“K-KUYA, umuwi ka na rito kaagad, please…” Iyon ang unang nasambit ni Jessie nang makita ang walang buhay na katawan ni Amor sa gitna ng sala. Duguan ang ulo nito at patuloy na dumadaloy ang kulay pulang likido na iyon habang kausap niya si Carlos sa kabilang linya. Napatayo ang lalaki nang mahimigan ang panginginig ng boses nito at ang paghingal. Ang panaghoy nitong pagtawag kay Amor ang nagpanerbyos sa kanya. Kalahating araw pa lamang siyang bumibisita sa bahay ng mga magulang ngunit tila kailangan niya nang umuwi kaagad. “B-bakit? Jessie, ikaw ba ‘yan?” tanong pa niya habang nakatingin sa amang sumeryoso ang mukha na kanina’y masaya pang kausap ni Carlos. “O-oo, Kuya. Umuwi ka na muna, please. Ako na ang magdadala kay Ate Amor sa ospital. S-si Aia…wala rito si Aia!” Mas lalong nak

