Kabanata 78

2047 Words

BAKAS ang pag-aalala ni Kye kay Carlos na nakaupo sa tabi niya habang hawak ang resulta ng isang linggong paghihintay nila sa sanhi ng bigla niyang pagdura ng dugo at pagkahimatay. Nitong mga nakaraang linggo, napansin ng lalaki ang mabilis na pagkapayat nito habang pinagmamasdan niya kung paano ito magtrabaho. Mabilis din itong napapagod at hinahapo kapag hapon na. Kaya ang dating overtime nito ay nagiging on-time na lang ng uwi dahil hindi na ito pinapayagan ng lalaki na pagpakapagod pa sa trabaho kahit na magagaan na lang ang ginagawa nito sa cake shop ni Kye. Sakto pang nangyari ang bagay na iyon nang bumisita sa kanila ang brother-in-law nito na si Jessie. Hindi sila makapaniwala na pag-ubo ni Carlos ay tumalsik ang purong dugo mula sa bibig nito at agad itong nawalan ng malay.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD