"GAIA, please. Just this once. For the last time, please pagbigyan mo na ako. May sasabihin lang talaga ako sa 'yo. Promise, pagkatapos nito, hindi na kita guguluhin." Kita ni Gaia ang pagsuyo ng lalaki sa mga mata nito. Umiwas siya ng tingin. Hindi na dapat pa mahulog sa mga gusto nitong mangyari. "Leave now, James." Patalikod na sana si Gaia nang mahawakan ng lalaki ang kamay nito para iharap siyang muli. Mula sa malayo ay nakita iyon ni Ethan kaya dali-dali siyang naglakad patungo sa kinaroroonan ni Gaia at tumabi sa babae. "May problema ba tayo, Gaia?" tanong niya ngunit kay James siya nakatingin. "W-wala naman, Ethan." Pasimple niyang tiningnan ang mga taong sabay-sabay na pumasok kay hinarap niya ang lalaki at si Kristel. "Sige na, marami nang tao. Magsipagbalikan na kayo. Ako

