AWTOMATIKONG naidilat ni Temyong ang mga mata nang maramdamang hinihila na siya ng kanyang katawan sa kahimbingan ng tulog. Tiningnan ang kanyang wrist watch at nakitang trenta minuto ang nasayang sa pag-idlip niyang iyon. Hindi na siya makapaghintay pa sa muli nilang pagkikita ni Aia. Magiging maganda para sa kanya ang gabing ito at magiging masalimuot naman iyon para sa babae. Ngingiti-ngiti siya habang lumalagaslagas ang tubig mula sa shower. Pagbaba niya’y nakita niya sina Boy na kumakain ng pizza at umiinom ng softdrinks. Napatayo ang mga ito at tinapkpan ang mga bibig habang ngumunguya nang makita siya. “Boss, pasensya na. Kanina ka pa namin kinakatok para yayain sana na kumain kaso nakaidlip ka na yata,” sabi ni Boy habang kumakain. “Ano’ng gusto n’yo? Magpapa-deliver na lang

