Kabanata 91

1024 Words

“PUTANG INA naman!” Napapalo nang malakas si Temyong sa manibela nang hindi na nila makita ang kaninang kotse na malapit na nilang maabutan. Umikot sila pabalik sa Diamond Empire at p-in-ark ang mga kotse sa likod na ng building. “Boss!” Isang binatang kasing edad ni Boy ang patakbong lumapit sa kanya. “Ano iyon, Mar?” “Umalis na iyong mga kliyente natin. Hindi nila sinabi kung kailan sila babalik. Ano nang gagawin natin? Natakot yata kasi nagsipaglabasan kayo.” “Bwisit!” Napapadyak siya. Sayang iyon dahil iyon na dapat ang kauna-unahang customer niya. Pwede siyang bigyan ng limpak-limpak na pera dahil bultuhan ito kung bumili ng “yelo”. “Kung hindi dahil sa dalawang lalaki na ‘yon, hindi naman tayo susugod! Nakita n’yo ba iyong mukha ng mga iyon?” “Hindi, Boss. Pero iyong driver

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD