MABILIS ang pagtakbo ni Steve sa mga eskinitang madaanan niya dahil kailangan na niyang makalayo at makaalis sa Hong Kong sa lalong madaling panahon. Nahinto siya nang maramdaman ang pag-vibrate ng kanyang cellphone kaya agad niya itong kinuha at inilagay sa tainga habang nagmamasid sa paligid. “H-hello…” Rinig pa ang paghingal sa boses niya. “Pumunta ka sa location na t-in-ext ko sa ‘yo. ASAP. May naghihintay na jet sa ‘yo roon na iuuwi ka sa Pilipinas. Magkita tayo after five hours. Mayroong dalawang lalaking lalapit sa iyo mamaya kapag naroon ka na at ang password na sasabihin mo ay…Saul.” Magtatanong pa sana siya ngunit bigla na lang namatay ang tawag na iyon kaya muli siyang naglakad-takbo patungo sa location na ibinigay sa kanya. Kung sino man ang lalaking iyon, kailangan k

