Kabanata 33

1947 Words

“TULONG!” Hindi man malinaw kay Gaia ang natatanaw dahil sa naghahalong dilim at pagsilay ng liwanag galing sa apoy na kumakalat sa lugar kung saan siya naroon. Nakita niya ang isang batang babae na pilit na ikinukubli ang sarili sa likod ng isang kinakalawang na drum. Ang pagkalat ng amoy ng gasolinang iyon ay humahalukay sa kanyang kalamnan. Nakakasulasok din ang hindi niya masikmurang amoy na iyon na nanunuot sa kanyang ilong. “Tulong! Jebal!” Nilingon niya ang isang batang nakaupo sa isang upuan. Nagpupumiglas iyon habang pumapanaghoy ng pag-iyak. “Tama na!” Muli niyang nilingon ang isang batang babae na nakaupo na at nakatakip ang mga kamay sa tainga. Hindi niya alam kung sino ang uunahing iligtas sa dalawang iyon. Hindi rin siya makagalaw kung nasaan siya nakatayo. Tanging

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD