“HINDI kita gusto, Temyong, At kahit kailan ay hindi kita magugustuhan…” Hindi mawala sa isipan ni Temyong ang muling pagkrus nila ni Bettina ng landas. Kahit man hindi siya nakita ng mag-asawa, hindi pa rin maalis sa isipan niya ang kagandahan ng babaeng hanggang ngayon ay hindi pa rin napapalitan sa kanyang puso. Kinabukasan nang makita niya ito ay bumili agad siya ng mga gym equipments at ginamit ang mga ito. Ilang linggo niya na ring ginagawa ang nakakapanibagong routine na ito na kahit ang mga kasama niya sa bahay ay medyo napataas ang kilay sa bagong trip ng amo nila. Dahil sa kyuryosidad, si Boy na ang naglakas-loob na nagtanong kay Temyong sa magandang paraan. “Boss, mukhang may pinaghahandaan ka yata, ah,” pabirong sabi ni Boy habang nakaupo sa sofa at kumakain ng melon kasa

