MAY naalala si Six sa tagpong ito ngunit pinaling niya ang ulo. Hindi man bakas sa mukha niya ang pagpa-panic pero deep inside, hindi niya talaga alam ang gagawin habang isinasakay niya ang babae sa kotse. Si Gibson na ang pinagmaneho niya habang sinusubukan niya pa ring gisingin ito. “Ano bang nangyari?” tanong ni Gibson habang ini-start ang makina. “Hindi ko rin alam. Bigla na lang siyang tumumba kanina. Mukha kasing hindi maganda ang timpla niya pagdaan ko kaya tinanong ko siya kaso bigla siyang tumayo.” Habang nasa byahe ay patuloy pa rin ang pagtapik niya sa mukha nito upang magising ngunit hindi talaga ito nagre-respond sa kanya kaya kinapa niya ang bulsa nito kung may cellphone o wallet man dahil wala siyang napansing bag na dala nito. Agad na kinuh

