HINDI kagaad nakahuma si Lucas sa narinig. Para bang pinagbagsakan siya ng langit at lupa. Tila ba gustong gumuho ng mundo niya sa balitang iyon pero pinilit niyang maging kalmado. “B-bakit? Ano ba ang nangyari?” “Ikukwento ko ang lahat sa ‘yo pero hindi rin naman alam ni Papa na mangyayari iyon. Basta, galing siya sa bakeshop na pinagbibilhan niya ng cake. Tapos nakita niya iyong papa ni Gaia na doon nagtatrabaho. Kahit kami ni Mama, nagulat kasi akala namin nasa La Consolacion pa siya dahil may mina-manage iyon na hacienda at mga sakahan doon. Sa totoo lang, galing talaga si Gaia sa marangyang pamilya kung hindi lang talaga dahil sa mga magulang ni Tito,” pahayag ni Tristan. “Naibalita kasi sa kanya na lumuwas daw si Temyong sa Maynila kaya iyon. Lumuwas na rin siya dahil baka maun

