Kabanata 161

1106 Words

NAGING maganda ang tulog ni Temyong matapos niyang iwan si Gaia ang may tama ng bala sa binti. Wala naman talaga siyang balak na patayin ang anak-anakan pero napaka-satisfying na sa pakiramdam niya ang makita itong halos hindi maipinta ang mukha nito dahil sa sakit. Kanina ay na-badtrip talaga siya sa mga lalaking palagi nalang kumukwestyon sa mga ginagawa niya pero dahil sa nangyari kay Gaia, gumaan na ngayon ang kanyang pakiramdam. Nag-book siya sa isang sikat na hotel na malapit lang sa ikalawang bahay na dapat talaga ay gagawin niyang rest house dahil bangin ang likurang bahagi nito na kung saan ay maaari mong makita ang paglubong ng araw sa kahapunan. Ngunit dahil kina Noel, naging taguan na ng bangkay at tao ang bahay na ‘yon. Isa ‘yon sa mga napurnadang plano niya pero alam niy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD