WALANG imik si Gaia at nanatiling tikom ang bibig habang nagkukwento si Elsa tungkol sa naging buhay nito sa Diamond Empire. Hindi na siya nagtaka o nagulat dahil nang mabanggit nito ang salitang “sindikato”, napakaraming ideya na ang pumasok sa isipan niya. Matapos nitong isalaysay ang sitwasyon niya bago pa man sila makuha ni Temyong, tiningnan siya nito. “Hindi ka ba natatakot sa akin o sa amin? Hindi ka rin ba nagagalit? Nagtatrabaho kami para sa amain mo.” Hindi nakaramdam ng kahit na katiting na galit si Gaia sa salaysay nito. Mas nangingibabaw ang pagkaawa niya sa babae lalo na’t alam niyag hindi pa huli ang lahat para sa pagbabago. Ngalay na ang kalahating katawan niya sa ganoong posisyon. Gusto niya nang ilapat ang kanyang katawan kahit man lang sana sa malamig na sahig. H

