ILANG beses na mariing napapapikit si Lucas habang nasa sofa. Pagkatapos umalis noong ambulansya na magdadala kay Tristan sa ospital ay bumalik sila sa kanyang bahay at nag-isip ng plano. Hindi mawala sa isip niya ang dugong nakita sa bahay ng babae. Alam niya namang hindi iyon kay Gaia ngunit hindi niya maiwasang mag-isip. Dagdag pa ang pag-alingawngaw sa magkabilang tenga niya ng huling pag-uusap nila ng babae. “Lucas…” Nilingon niya si Six na nilapitan siya. Ang iba nilang kasama ay nagkakaroon ng usapan sa dining area at humiwalay muna siya upang makapag-isip nang maayos. “What’s your plan? This is now your battle.” Naupo ang tiyuhin sa kanyang tabi. “Hindi ba’t alam n’yo ang bahay niya? ‘Yon na muna ang unang puntahan natin. Malakas ang kutob kong makakakuha tayo ng lead sa b

