Kabanata 82

1598 Words

NAGKATINGINAN sina Kye at Jessie nang makita ang lungkot sa mga mata ni Carlos habang ikinukwento nito ang paghihiwalay nila ni Amor. Kanina ay kinukumusta lang ni Jessie ang brother-in-law at ngayon, hindi na nila alam kung bakit napunta na roon ang usapan. Isang linggo na ang nakalipas noong malaman ng lalaki kung gaano na kalala ang sakit ni Carlos. Ngayon lang ito nakabisita dahil sa dami ng gagawin sa opisina. Napanagako siya sa lalaki na bibisitahin ngayong araw at narito sila sa al fresco dining ng cake shop ni Kye dahil napakarami ng tao sa loob. “Mahal na mahal ko si Amor. Alam kong alam niya iyon at kahit man wala na siya, hindi iyon magbabago,” sabi pa nito bago uminom ng tubig. Halata ang pagkabawas ng timbang ng lalaki kahit na umiinom ito ng gamot na nireseta ng mga dok

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD