PINAGBAGSAKAN ng langit at lupa si Gaia nang malaman 'yon mula kay Henry.
"A-are you sure?"
"Of course, I am. Bakit hindi ako magiging sigurado sa sinasabi ko sa 'yo? Akala mo ba sinisiraan ko si James sa 'yo? Hindi ako ganoon, Gaia. Parang anak na ang turing ko sa 'yo kaya ko 'to sinasabi," saad nito.
"Walang nasasabing ganyan sa akin si James."
"Bakit niya kailangang sabihin sa 'yo 'yon? Hindi mo ba nakikita ang paglaki ng tiyan n'ya? Wala ka talagang napapansin?" Umiling siya bilang sagot.
Si Henry naman ang bumuntong-hininga at nakakaawang tinitigan si Gaia.
Maling kinunsinti niya ang sitwasyon. Ngunit tila ayaw paawat ng mga ito dahil bago pa man maglapit ang loob ng dalawa ay hindi lang araw-araw niyang pinapaalalahanan ang dalawa.
Malakas ang loob ni Gaia dahil pinangako ni James sa kanyang ilalaban siya nito hanggang dulo ngunit hindi niya kilala ang ugali ni Matilde.
Assistant Operations Manager si Matilde ng L.O.B. nila. At anytime na malaman nitong siya ang babae ni James, walang anu-ano'y masisipa siya sa kumpanya ora mismo.
Iba ito sa lahat ng babaeng naroon. Liban sa aura nitong palaban, dapat lahat ng gusto niya ay iyon ang masusunod. Napakarami na niyang natanggal sa trabaho dahil din sa hindi niya gusto ang mga ito para sa team niya.
"Mag-ingat ka. Hindi ko na mapipigilan si Matilde kapag nalaman niyang ikaw iyon. Ilang beses na kitang pinapaalalahanan. Ayokong ipahiya ka noon sa harap ng maraming tao."
Unti-unting tumulo ang luha ni Gaia dahil sa mga sinabi ng lalaki. Alam ng mga ka-team mate niya kung ano ang real score sa kanilang dalawa ni James ngunit tikom ang mga bibig nito na ikinapapasalamat niya.
Maski ang ibang team ay alam ang tungkol sa kanila. Tahimik lang ang mga ito ngunit hindi sila nagkulang sa pagpapaalala.
Si Gaia kasi ang bunso sa buong production floor kaya ganoon na lang ang concern nila sa kanya.
"S-sorry, TL. Hindi ko na yata kaya." Pinunasan niya ang kanyang luha at humarap kay Henry.
"Ikakasal na siya sa susunod na buwan. Hindi ka pa rin ba titigil?" mahinahon nitong tanong.
"Mahal ko siya, eh. 'Di ba ganoon naman kapag nagmamahal?"
"Hindi ganyan ang pagmamahal, Gaia. Magtira ka para sa sarili mo hindi iyong binibigay mo sa kanya lahat habang ikaw...nauubusan na." Tinamaan siya roon.
"Mag-isip-isip ka. Bata ka pa. Maraming lalaki riyan na mas hihigit pa kay James."
Masakit man pero iyon ang katotohanan. Kahit pa mahal nila ang isa't isa, hindi maitatangging may mas naunang babae kasya sa kanya.
"Sabi niya sa akin, hindi niya itutuloy ang pagpapakasal niya kay Matilde dahil itatakas niya raw ako tapos...tapos magtatanan kami," aniya.
"Naniwala ka naman?" Ngumisi si Henry. "Hindi mo ba alam na tuso iyan si James? Kilala ko na siya dati pa. Magkasama kami sa isang BPO company noon at masasabi kong hindi siya ang tipo ng lalaking para sa iyo."
"Sinasabi mo lang iyan dahil ayaw ninyo siya para sa akin."
Bumugtong-hinininga si Henry. Tila wala nang mabuting patutunguhan ang pag-uusap nilang dalawa ni Gaia. Masyado itong head-over-heels kay James dahil sa mga nakakaakit na pangako ng lalaki sa kanya.
"Hindi mangyayari iyon, Gaia. Ako na ang nagsasabi sa iyo."
Kumunot ang noo ni Gaia. Mukhang ayaw magpatalo ng lalaki sa diskusyon nila kaya tinapos na ni Henry ang discussion nila.
"Galingan mo sa pag-process mamaya. Kung makakuha ka pa rin bukas ng negative feedback, kakausapin ka na ni Matilde at pagpapahingahin ka hangga't hindi pa sila nakakapag-decide kung magbo-board review ka o under observation." Tumayo na ang lalaki at naunang lumabas sa huddle room.
Inayos niya ang sarili. Kinuha niya ang panyo sa bulsa at pinunasan ang mga tuyong luha. Hindi pupwedeng makita siya ni James na malungkot o galing sa pag-iyak.
Nasaktan siya sa sinabi ni Henry. Hindi niya inaasahan na maski 'yon ay isisikreto sa kanya ng lalaki.
*Girlfriend lang ako at magiging asawa niya na si Matilde. Hindi mo pa ba naiintindihan, Gaia? Nararamdaman mong mahal ka niya pero mahal ka nga ba niya talaga?
Tumayo siya at lumabas na sa huddle room.
"Gaia, log-in. Queueing tayo," utos agad ni Henry sa kanya kaya nagmadali siyang mag-log in. Kailangang galingan niya ngayong araw para makabawi naman siya sa mga survey na nakuha niya.
"BAKIT ka nagsinungaling sa akin, James? Bakit hindi mo sinabing buntis si Matilde?" tanong niya sa lalaki nang sumabay itong bumaba sa kanya para magyosi sa likod ng building.
"Gaia, hindi ako nagsinungaling sa 'yo. Naghihintay lang ako ng tamang tyempo para sabihin sa 'yo. Si Henry ba ang nagsabi niyan sa 'yo?"
"Oo. Mukhang kilala na rin ni Matilde kung sino ang girlfriend mo, James. Hindi ka ba natatakot na mahuhuli niya tayong dalawa?"
"Why would I? Hangga't walang nagsasalita sa lahat ng mga empleyado sa prod, ligtas tayong dalawa—ligtas ka." Tinapon ni James ang sigarilyo at inapakan ito.
"Hindi ko na kaya 'to. Hindi ko alam kung may mukha pa akong maihaharap sa lahat ng tao kung sakali mang malaman ni Matilde ang tungkol sa akin. Paano kung malaglag 'yong anak ninyo dahil sa akin? Paano kung—"
Nilapitan siya ng lalaki at hinawakan siya sa magkabilang kamay. Napatingin tuloy siya Gaia sa buong paligid kung mayroon bang nakakakita sa kanila.
"You don't have to worry about it, Gaia. I will be here for you. Kaso, kailangan talaga naming ituloy ang kasal ni Matilde."
"T-teka...akala ko ba—"
"Pagkatapos naming ikasal, saka tayo aalis. Magpapakalayo-layo tayo."
"Paano si Matilde? Paano ang magiging anak ninyo?"
"I really don't care about it. What is important is you and me." Muli siyang hinalikan nito sa kamay.
"N-no. Hindi ko kayang makasira ng pamilya, James. Let's break up. Ayoko nang ganito."
"Gaia, please. Give me some more time. Kailangan ko lang ayusin 'to."
"Nahihirapan na ako. Napa-paranoid ako sa tuwing pumapasok ako ng trabaho dahil baka isang araw gumising na lang ako na malaman na niya ang totoo," ani Gaia.
Niyakap siya ng lalaki. "I am sorry if you felt that way. Naaasar din ako. Sana kasi nauna ka na lang sa kanya. Hindi sana tayo nagkakaganito kung nangyari 'yon."
Pinilit ni Gaia na hindi maiyak sa sinabi nito. Nanghihinayang talaga siya dahil dream guy niya nag katulad ni James. Hindi ito ang tamang panahon para sa kanila.
Wala na. Talo na naman siya sa pagkakataong ito. Maramdaman niya lang ang init ng yakap ng lalaki ay napawi na ang lahat ng pag-aalinlangan niya. Maski ang mga tanong na kailangan niyang itanong ay bigla na lang naglaho sa isip niya.
NAKASIMANGOT si Gaia nang palitan niya ang aux to end of shift. Pinatay niya ang monitor at ang CPU saka huminga nang malalim.
Dalawang araw siya naka-rest day mula noong huling nagkausap sila ni James ngunit hanggang ngayon na dalawang araw na siyang pumapasok ay hindi pa rin ito pumapasok.
*Apat na araw na. Ni hindi ka man lang nag-te-text, James. Ano bang problema?
"Gai, tinawagan ka na ba?" tanong ni Henry sa kanya ngunit umiling siya.
"Baka naman kasi wala sa mood na sumagot ng tawag kasi nga may sakit," ani Nestle sa kanya.
"Sus. As if hindi ninyo naman alam na magkasama sina Matilde at James nannag-aayos ng marriage papers nila," alaska ni Myron sa mga taong naroon.
"At saka pinadalhan ka rin naman niya ng imbitasyon, hindi ba? Nasa 'yo ang desisyon kung pupunta ka o hindi."
"Alam mo, kung wala kang matinong sasabihin, pakilagyan mo na lang ng packaging tape iyang bunganga mo, Myron, please lang." Sabay bato niya sa lalaki ng isang wala pang bawas na tape.
"Nanggigigil ako sa iyo, eh. Tanga na nga akong pinatulan ko siya kahit may fianceé na tapos papayag pa akong makita siyang masaya sa kasal niya? Eh 'di parang pinatay ko naman sarili ko noon?" dagdag reklamo niya.
"So, paano ka na niyan?" Nakatingin ang lahat ng team mate niya sa kanya pati na si Reinhard.
Hindi siya makasagot. Napakarupok niya kung magpapakita pa siya sa kasal ng lalaki.
Alam niya naman sa sarili na pampalipas oras lamang talaga siya ng lalaki lalo na't busy ang soon-to-be-Mrs. Dominquez sa pag-aayos ng kasal nila kaso napamahal na siya sa lalaki.
Hindi niya rin talaga alam kung anong katangahan ang sumapi sa katawang lupa niya at napa-oo siya ng lalaki.
Maski ang pinsan nitong si Tristan na halos araw-araw ay sinisermunan siya sa landas na pinili niya.
"Ewan ko. Hindi ko rin alam..." Napalunok siya nang isipin kung ano na nga bang mangyayari sa kanya kapag naikasal na ang lalaking pinakamamahal niya.
Hindi siya pinalaki ng mga magulang niya para maging isang kabit lang. Gusto niya rin naman ng lalaking pwedeng i-flex sa publiko at hindi iyong para silang nagtatagu-taguan.
Nang makauwi sa bahay, nasinghot niya kaagad ang almusal na niluluto ni Tristan.
"Bakla, I am so tired." Ibinagsak niya ang katawan sa isang upuan sa dining area at hinagis lang ang mga gamit kung saan-saan.
"Palagi ka namang pagod. Para kang gabi-gabing may 'service'," pagbibiro ng pinsan nitong nakatalikod.
"Gaga, malamang call center agent ako. Ano ba iyang niluluto mo? Nagugutom na ako."
"Bacon, sinangag, itlog." Humarap ito sa dalaga upang ihain ang nasa pinggan gaya ng nabanggit nito.
Nakasuot si Tristan ng sando at bulaklaking boxer shorts. Nakatali rin ng sanrio ang mangilan-ilang mahahabang buhok niya at may pahid ng liptint ang labi.
"Ang agang paglalandi naman niyan, Tristan. Tingnan mo nga iyang itsura mo sa salamin. Nakakaumay ka. Pasikat pa lang ang araw, eh." Umirap si Gaia habang nagsasandok ng sinangag sa pinggan.
"Kakain ka at tatahimik o pinagsisigawan ko sa buong mundo na kabit ka?" birong pananakot nito sa kanya sabay taas ng kilay.
"Alam na nilang lahat, bakla. Wala ka nang ibang sasabihan," patutsada niya habang ngumunguya.
"Eh, kung malaman ni Matilde?" Doon siya napahinto at napatingin sa lalaki.
Biro lang naman iyon pero napuruhan siya.
*Paano nga talaga kung malaman ni Matilde?*
"Hoy, Gaia Lopez. Niloloko lang kita. Kumain ka na nga riyan." Mahina siyang tinulak ni Tristan sa balikat at umupo sa tapat nito.
"Paano nga kaya kung malaman ni Matilde ang tungkol sa aming dalawa?" wala sa loob niyang tanong.
"Baka kilay lang walang latay sa iyo—" Huminto ang lalaki sa pagsasalita nang makita ang matalim na pagkakatitig sa kanya ni Gaia.
"Of course! Ano bang ini-expect mo? Yayakapin ka noong babae at magpapasalamat dahil kinalinga mo ang mapapangasawa niya habang busy siya sa wedding preparations? Malamang hindi, mamang!" Umiling-iling pa ito habang sinusubo ang pagkaing nasa pinggan.
"Paniguradong kakaladkarin ka noon pababa ng building tapos ipapahiya ka sa madla at alam kong hindi mo magugustuhan iyon," dagdag na pang-aasar niya sa dalaga.
"Tumigil ka na, Tristan. Kumain ka na nga lang." Kinuha niya ang kanyang cellphone at tiningnan kung nag-chat na ba ang nobyo sa kanya ngunit maski text ay wala.
Inilapag niya muna sa gilid ang cellphone at kumain muli. Pag-iisipan niya muna kung kukumustahin niya ba ang lalaki o hindi.
"Tristy, may sasabihin pala ako sa iyo." Tila nagdadalawang-isip pa siya kung sasabihin niya ba kay Tristan ang paglalagay sa kanya bilang weddung singer sa kasal ng lalaki.
"Ano iyon? Kailangan mo ng pera? Wala ka ng allowance?"
"Gaga hindi. Si James kasi..." Alam niyang magiging machine gun na naman ang bunganga ng pinsan kapag ikinuwento niya iyon.
"Ano? Nabuntis ka? Sabi ko sa iyong huwag mong isuko ang bataan sa katulad niya, eh!"
"Patapusin mo kasi muna ako!" Nagpapapadyak tuloy siya habang kinukuha ang invitation na binigay sa kanya ni James noong nakaraang araw.
"Oh, sige. Magsalita ka. Siguraduhin mo lang na matutuwa ako sa sasabihin mo ha?" pang-aalaska ni Tristan sa kanya.
Ibinigay niya ang invitation sa pinsan. Makita pa lang 'yon ng lalaki ay para niya nang gustong punitin ito. Alam niya nangyayari 'yon at alam niya na ring sisipot doon si Gaia.
"So, ano? Pupunta ka?"
"Hindi ko alam. Hindi pa ako nakakapagdesisyon..."
"Tanga! Magdedesisyon ka pa? Hindi ko alam kung bakit may pinsan akong kagaya mo. Nasaan ba ang kukote mo, ha? Masokista ka na? Bet na bet mong sinasaktan sarili mo?" paninermon nito sa kanya.
"Eh, sabi kasi niya gusto niyang nandoon ako sa huling araw ng pagiging binata niya," pagtatanggol niya.
"At ano? Naniwala ka naman? Simula noong nabuntis niya si Matilde, tapos na ang pagiging binata niya. Hindi mo ba naiisip iyon?"
Hindi siya sumagot. Hindi magbibitaw si Tristan ng masasakit na salita sa kanya kung wala itong pinupuntong tama.