HABANG nagpapatuloy ang kasiyahan sa Island Bar, sa ikalawang palapag nito ay may nangyayaring hindi alintana ng mga taong nasa paligid. “T-tama na, Boss…” pagmamakaawa ni Temyong habang nakaluhod na at makailang beses nang dumudura ng dugo sa sahig. Solong-solo nila ang V.I.P lounge at walang magiging problema ang ginagawa ng lalaki dahil walang mangingimin makialam sa pinaggagagawa niya kay Temyong. “Nasaan sabi iyong kalahating bilyong unti-unti mong kinupit sa ‘kin?!” ma-awtoridad na sabi ng lalaking nasa harapan at naka-ekis ang mga hita habang may hawak na baso ng alak. Inikot-ikot niya pa ito upang paglaruan ang yelong naroon. “B-Boss, hindi lang naman ako ang nangupit sa ‘yo, eh. Si Wilson din naman. Siya nga ang nagsabi sa akin na gawin ‘yon,” sumbong nito. “Hindi talaga ka

