Kabanata 10

2013 Words

ALA UNA ng madaling araw naka-schedule ang board review ni Gaia at hindi na bago sa kanya ang ganoong oras dahil sa trabaho niya, baligtad ang mundo. Ang umaga nila ay ang oras ng kanilang pagtulog, at ang gabi naman ang oras ng trabaho. Isinuot niya ang dress na gamit niya noong nag-a-apply pa lamang siya sa BPO company na iyon. Kahit ang sandals na gamit nya noon ay sinuot niya rin. Muli siyang humarap sa salamin bago lumabas ng kwarto. "Gaia, kaya mo 'to, okay?" sabi sa kanya ni Tristan habang inihahanda ang envelope na may lamang resignation letter niya. "Okay lang ako, Tristy. Huwag ka mag-alala, pagkatapos ko sa board review, uuwi ako kaagad." "Naku, kahit mag-inom ka, hindi kita pipigilan ngayon. Basta tumawag ka kung kailangan mong magpasundo sa akin. Walang problema iyon..

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD