ABOT-TAINGA ang ngiti ni Lucas nang makita ang pinaghirapan niya sa loob ng tatlo hanggang apat na taong pag-aaral ng business sa Amerika. Ngayon, nakatayo siya sa isang two-storey commercial building na nabili niya three years ago sa isang malapit na kaibigan. Naisipan niyang patok ang milk tea business sa Pilipinas kaya ito ang tinatrabaho niya ngayon. Kulay kayumanggi ang skeleton ng exterior nito katulad ng mga usual cafes ngunit binawi niya ang pag-aayos sa interior. Taga-ibang bansa pa ang kinuha niyang designer para lang maging maganda ang outcome nito. At pagkatapos ng kalahating taon, heto na ang naging outcome ng pagsusunog niya ng kilay at pagsisipag. Liban pa sa kumpanyang ibinigay sa kanya ng mga magulang ay ito talaga ang gusto niya—isang cafe na magiging comfort zone

