Kabanata 18

2130 Words

TATLONG mabibigat na katok ang ginawa ni Gaia nang marating niya ang pinto ng unit ni Tristan. Ang haba ng nguso nito sa pagbusangot dahil hindi niya matanggap ang mga nangyari sa kanya ngayong araw. Nanlaki ang mga mata ng kanyang pinsan nang makita siya pagbukas ng pinto. Pinasadahan pa siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. "A-ano ang nangyari sa 'yo, Gaia? Bakit iyan ang suot mo? Bakit ang aga mo ngayon na umuwi?" sunod-sunod na tanong nito. Walang imik si Gaia at ibinigay lang ang paper bag na hawak sa kanya saka nagdire-diretsong humiga sa sofa. "Tristan, ang tanga-tanga ko..." malungkot na sabi nito sabay yakap sa parisukat na unan. "Ano ba kasing nangyari sa 'yo?" nag-aalalang tanong nito pagkatapos ay inilabas ang unipormeng basa at amoy milk tea na nasa bag. "Anong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD