ISANG BUWAN nang nasa Cainta, Rizal si Temyong dahil sa paghahanap kay Aia. Ngayong araw ay kailangan niyang maghanap ng trabaho upang matuguanan ang pangangailangan dahil marami siyang kailangang pagkagastusan lalo na't wala siyang ni isang kakilala at kamag-anak na narito. "Bwisit!" Ikalawang beses na nitong hihinto sa paglalakad dahil sa pagkapagod. May katabaan ang kanyang katawan kaya kaunting pagkilos lamang ay unti-unti na siyang napapagod. Gusto niya na talagang umuwi sa inuupahang apartment. Gusto niya nang humithit ng marijuanang magpaparamdam sa kanya ng lubos na kalakasan. Lahat ng perang inipon niya sa pagtitinda nito sa probinsya ay unti-unti nang nalilimas dahil sa gastusin niya sa araw-araw. Pagkain, tubig, upa sa bahay, at iba pa. Mabuti na lamang at dumadayo sa

