PANATAG si Temyong na magtatagumpay ang plano niya kaya hindi na siya makapaghintay at nagpunta na ngayong hapon sa building ng Diamond Empire. Wala siyang pakialam kung magkita man sila roon ni Steve. Alam niya sa sarili na mas matagumpay siya ngayon kaysa sa lalaki—napakalaki ng lamang niya. “Nandiyan ba si Saul?” tanong niya sa receptionist. “Sino po sila?” “Artemio. Si Temyong. Hindi ako nagpa-schedule ng appointment pero…” Lumapit siya sa babae. “…taga-Pharaoh ako.” Nakita niya ang mabilis na pag-dial ng babae sa telepono. “Hello, Sir. May naghahanap po rito sa inyo sa ibaba. Artemio raw po ang pangalan niya at taga-Pharaoh siya. Gusto niya raw po kayong makausap.” “Sige. Paakyatin mo siya.” “Sige po.” “Magpunta po kayo sa floor na ‘to.” Isinulat ng babae sa isang stic

