At present… BIGLA siyang napaigtad nang maramdaman ang haplos na iyon sa kaniyang siko. Paglingon niya ay naroon na naman ang lalaking iniisip niya. “Bakit ka nag – iisa dito? You are not enjoying the night, are you?” Binawi niya ang brasong hawak nito maging ang paninging saglit niyang ipinukol dito. “Hindi mo na dapat pang problemahin kung nag – eenjoy ako o hindi. Masyado ng kaabalahan iyon para sa iyo, Mr. Zaavedra.” “You are talking to me as if you are not carrying my name, Mrs. Zaavedra. Natutuwa akong magpahanggang ngayon ay hindi ka nagpa – file ng annulment.” “Iyon ba? Masyado akong abala sa bagay na iyan, Nathaniel. Isa pa ay wala namang problema sa panghihiram ko ng apelyido mo. It doesn’t matter, really. Anyway, I just want you to know that Im just waiting for your move. D

