Hinila ni Dana ang isang silya patungo sa balkonahe ng studio na pinayagan siya ni Lolo Nemo na maggamit niya. Doon siya naupo habang ini-sketch niya ang mga nakilala niya kaninang malalaking asong alaga ni Irvine. Alas-dos na ng madaling araw kaya tahimik na ang buong mansyon. Maliban sa mga night guards na nagroronda sa paligid ay siya na lamang malamang ang gising. Kaya naman nagulat siya nang marinig niya ang mahihinang katok sa pinto ng silid. Inilapag niya sa silya ang lapis at sketchpad na hawak. Saka humakbang patungo sa pinto upang pagbuksan ang nasa likod niyon. “Flynn!” gulat na aniya nang makita ang binata na nakatayo sa labas. “May I come in?” untag nito. Nakasuot ito ng puting t-shirt at gray na pants. Hula niya ay iyon

