A YEAR AFTER… Abala sa pag-i-sketch sa kanyang sketch pad si Dana habang nakaupo sa paborito niyang arm chair sa sala ng bahay niya. Ngunit bigla siyang natigilan nang maramdamang tila may nagmamasid sa kanya. Nabitin sa ere ang mga daliri niyang nakaposisyon na para muling gumuhit. Nagmumula sa likuran niya ang direksyon ng init ng titig na nadarama niya. Alas-tres y medya na ng madaling araw. Kaya naman natitiyak niyang tanging siya na lamang ang natitirang gising sa buong kabahayan. Dahan-dahan niyang ibinaling ang ulo pakanan. At mula sa sulok ng mata niya ay nakita niya ang puting pigurang nakatayo sa bukas na pinto ng silid na nagsisilbing opisina niya dito sa bahay niya. Mariing pumikit siya at pinilit lu

