Sinasamsam ni Dana ang mga sketches na ginawa niya nang nagdaang araw nang mahagip ng mga mata niya ang isang kulay gold na envelope sa ilalim ng sketchpad niya. Kunot-noong dinampot niya iyon at binasa ang nakasulat sa labas niyon. Pangalan niya ang nakalagay doon. Bubuksan na sana niya iyon nang pumasok sa nakabukas na pinto ng studio niya si Mamsie. As usual at nakasuot ito ng paborito nitong short shorts at pink tank top. Sa kamay nito ay may hawak itong neon green na payong dahil papasyal daw ito sa parlor na pag-aari nito at ni Gamay. “Ay, nandiyan lang pala iyan. Akala ko naitapon ni Gamay iyan. Dumating iyan noong isang linggo pa, Dana. Hindi ko matandaan kung saan ko nailapag. Buti nahanap mo na,” wika nito. “N

