"R-Regon.." bahagya ko siyang tinulak palayo. Mabilis akong gumalaw para umalis sa pagkakahiga. I breathe slowly trying my hardest to calm my flitting heart. Ramdam ko pa rin ang halik niya sa mga labi ko nang tumayo ako. Maliwanag pa rin ang paligid at mukhang nakatulog ako ng ilang minuto lang. Ang lamig sa buong silid ay hindi nakatulong sa init na umuusbong ngayon sa sistema ko. Ang ganitong klaseng init ay tanging sa isang tao ko lang nararamdaman, sa kanya lang. "Nakapagpahinga kana ba? Hindi na ba masakit ang ulo mo?" sunod sunod niyang tanong habang unti-unti rin siyang lumalapit sa akin. "I-I'm fine.." halos pabulong ko. Dinaramdam ko ang ngayon mas bumibilis na tahip ng puso ko. Kumilos ako hanggang sa mapunta ako sa mahabang mesa malapit sa pintuan. Gyunpaman, dahil maliit l

