Para akong tinakasan ng dugo sa katawan dahil sa paraan nang pagtitig niya sa amin. Wala sasariling mabilis kong hinila ang kamay mula kay Carlos. Ang kadiliman ng paligid ay mas nagbigay ng nakakatakot sa kasalukuyang anyo niya. Bahagyang basa ang buhok at damit kahit may dalang kapote. The lines of his body deepen from his wet shirt. His face comes in intensity and it feels like the silver light shines through his darkly intense eyes. "Regon.. Hey, man!" si Carlos na agad pinutol ang kakaibang tensyon sa paglapit niya dito. Tumayo din ako at pilit tinago ang kabang nararamdaman ko. Ano ang iniisip niya sa nadatnang pwesto namin ni Carlos? Noon ko lang natanto na masyado kaming malapit sa isa’t isa at halong magkalapit na ang mga mukha. "What are you two doing?" napalunok ako ng hindi

