Kabanata 28

3088 Words

Natutulala pa rin ako. Ang singsing naman talaga ang pinunta ko! Hindi ko naman inakala na aabot kami sa ganoong kainit at nakakabaliw na sitwasyon! "Señorita hindi naman ho kayo nakikinig eh." Napapitlag ako sa biglang pagkakarinig ng boses ni Danah. Noon ko lang napagtanto kung gaano talaga nililipad ang isip ko nang nangyari sa pagitan namin ni Regon. Tumikhim ako at alangan sinalubong ang tingin niya. "U-Uh.. pasensya na, Danah. Ano iyong sinasabi mo sa akin?" Ilang segundo niya akong pinagmasdan. Tanghalian na kaya kasalukuyan kaming nasa dating pwesto na malapit sa opisina. Ang tanda ko ay may pinag-uusapan kami pero dahil sa lumilipad ang isipan ko ay hindi ko na iyon nasundan. Wala ako sa sarili kanina pa kaya baka nahalata na ito ngayon ni Danah. Ayaw ko mang aminin pero talaga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD