Nanami Yoshino (Katana Light) Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang pumasok sa loob ng headquarters ng X organization. At tulad ng inaasahan ko ay masamang tingin na naman ang bumungad sa akin dahil hanggang ngayon ay hindi pa din talaga matanggap ng mga tao dito na nasa panig nila ang isang parasites na kinamumuhian nila. At hindi ko naman sila masisisi. Kaya nga mas pinili ko na lang na ihiwalay ang squad ko dahil alam kong para iyon sa ikabubuti ng lahat. “Katana…” tawag sa akin ni Ashen nang makita ako. “I didn’t know that you were also planning to go here.” “Well, biglaan din naman ang pagdedesisyon ko na pumunta dito,” sabi ko. “And I am here to talk to Lychee.” Kumunot ang noo niya. “For what?” “We are still short in our manpower,” panimula ko. “At hindi lang iisang probl

