Nanami Yoshino (Katana Light) Pagkatapos ng halos tatlong oras na byahe, nakarating na din kami sa unang bayan na pag-iimbestigahan namin kung saan napabalita ang sunod-sunod na suicide ng ilang residente dito. At isa sa epekto ng mga parasites sa mga taong didikitan nito ay ang suicide kaya dito kami magsisimula ng pag-iimbestiga. “The data shows that within this month, umabot na sa halos dalawampu ang kaso ng suicide sa bayan na ito,” sambit ni Lychee tsaka bumaling sa akin. “So, how do you want to handle this?” “Mag-iikot muna ako,” sabi ko habang iginagala ang tingin sa paligid. “Ang purpose pa lang naman ng pag-iimbestiga na ito ay malaman natin kung ano ang katauhan na ginagamit ng Kiseichuu upang mapadali ang paghahanap natin sa kanila.” Ibinalik ko ang tingin sa kanya. “We didn

