Nanami Yoshino (Umi Weiya) “Hello, Everyone!” Iyan ang malakas at masaya kong bati nang maglanding ako sa pagitan ng grupo ni Lychee at isang hindi kilalang grupo na kanilang kinakalaban. “Y-you’re late,” sambit ni Lychee. Nakaluhod na siya sa lupa at puno na ng sugat ang kanyang katawan. Habang ang mga kasama niya ngayon ay mga nakahandusay na sa lupa at mga wala nang malay. Nako, mukhang masyado ngang malakas ang mga taong nakalaban nila. “Magpahinga ka na lang muna diyan,” sabi ko. “At ako na ang bahala sa mga ito.” Ibinaling ko naman ang tingin ko sa kabilang panig. Pitong nilalang na binabalot ng itim na aura ang kabuuan ng kanilang mga katawan. Pitong nilalang na pilit mang itago ang kanilang presensya ay hindi makaligtas sa mga mata ng isang tulad kong high level parasite kung

