Nanami Yoshino (Katana Light) Hindi naman ganoon kasama ang ugali ng ibang miyembro ng X. In fact, they actually prepare a small party for the arrival of Arkel and Main. Parang pagpapakita sa mga ito ang kanilang pagtanggap. They even entertained them and I was shocked to know that some of them are fans of Arkel. Kaya ang lalaking iyon ang higit na pinagkaguluhan. Mayroon din namang mga nakikihalubilo kay Main. Pero tingin ko ay magbabago din ang tingin nila dito kapag nalaman nilang mayroon ding parasite na naninirahan sa katawan nito. Kaya naisip ko na huwag na munang ipaalam ang bagay na iyon. Hindi makakatulong ang panghuhusga ng iba sa sitwasyon niya at baka makasagabal pa iyon sa pagsasanay na inihanda ko para sa kanya. “It looks like you brought a promising Xterminators,” sa

