Chapter 48

1232 Words

Nanami Yoshino (Katana) “Katana!” Napangiwi ako nang marinig ang malakas na boses ni Lychee habang nandito ako sa cafeteria at mag-isang kumakain. “Katana!” Hindi ako nag-abalang lumingon sa kanya at ipinagpatuloy lang ang pagkain ko sa pag-aakalang titigilan niya ako ngunit nagulat na lamang ako nang biglang may maglapag ng tray na puno ng pagkain sa harap ko. At nang iangat ko ang tingin ko ay nakita ko ang nakangising mukha ni Lychee. “I have been calling you.” Tinaasan ko siya ng kilay. “Hindi ba obvious na ini-ignore kita?” Umiling siya at tuluyan nang naupo sa kaharap kong upuan. “Akala ko ay hindi mo lang ako naririnig.” “Sira ulo!” singhal ko sa kanya at nagpatuloy na sa pagkain. “Ano bang kailangan mo sa akin?” “Iisa lang naman ang kailangan ko sayo,” aniya tsaka gumawa pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD