Nanami Yoshino (Katana) Dahil masyadong abala ang magulang ni Lulu at hindi naman siya madalas nababantayan ng mga kasambahay nila ay ginamit ko iyong pagkakataon upang lagi siyang mapapunta sa treehouse na nasa likod ng bahay ni Tita Ayami. Kaya sa tuwing umuuwi ako galing sa school ay doon ako dumederetso para lang makipaglaro sa kanya at madalas ay inaabot kami ng dalawang oras bago siya umuwi. Sa totoo lang ay kulang ang dalawang oras na iyon para sa paglalaro ng isang bata pero wala naman kaming magagawa kaya pinagkakasya na namin doon ang lahat. At sa dalawang oras na iyon ay tuluyan kong nakilala si Lulu. She is not actually that special. Yes, matalino siya at maagang hinahasa ng mga magulang niya ang kanyang talino kaya naman sa edad niyang anim ay puro pang-high school na ag

