Nanami Yoshino (Katana Light) Nakakainis talaga si Umi. Kapag seryosohan na ang paliwangan, lagi niyang ipinapasa sa akin kaya naman wala na talaga akong choice kundi ang harapin ngayon si Main na puno ng takot matapos malaman na mayroon pa lang parasite na naninirahan sa loob ng kanyang katawan. At anumang oras mula ngayon ay maaari nitong kunin sa kanya ang kontrol sa sarili niyang katawan. Idagdag pa ang katotohanan na hindi siya kailanman makakapaglaro ng pinakamamahal niyang tennis kung hindi dahil sa parasite na iyon. So, she will be torn between wanting that parasite to continue to inhabit her body and getting rid of it because it will really affect her greatly. “Hey,” tawag ko kay Main nang makalapit ako sa kanya. Lumayo kasi siya kanina para makapag-isip at hindi naman siya

