Nanami Yoshino (Katana) “You don’t have a phone.” Iyan ang bungad sa akin ni Ashen nang abutan ko siya sa gate na naghihintay sa akin. Medyo napangiwi pa nga ako dahil wala man lang hi or hello. Basta iyon lang ang binungad niya sa akin na parang iyon ang pinakaimportanteng bagay sa mga oras na ito. “Don’t tell me, mula nang magkita tayo sa Canada hanggang ngayon ay hindi mo pa din naiisipan na bumili ng cellphone mo.” Napaiwas ako ng tingin sa kanya. “Well, then I won’t tell you.” “Katana!” Ibinalik ko ang tingin sa kanya at binigyan siya ng matamis na ngiti. “Ashen, the cellphone is not that important so don’t get mad at me.” “I am not mad,” aniya at pinakalma na ang boses. “And cellphone is important because I can’t contact you.” Napabuntong hininga ako. To be honest, I don’t r

