Ash Eiren Aozaki’s Pov Isang malakas na pitik sa noo ang naramdaman ko bago ako tuluyang natauhan at ang unang bumungad sa akin ay ang mukha ni Xhylem. “What the hell is your problem?” inis kong tanong sa kanya habang hinihilot ang noo ko. “Bakit ka ba nananakit?” “Kanina pa kami daldal ng daldal dito pero hindi ka naman sumasagot diyan!” singhal niya sa akin. “Ano bang nangyayari sayo?” Inilalagay niya ngayon ang mga bagahe namin sa compartment nitong train na sinasakyan namin ngayon. “Hindi ka pa din ba nakaka-move on sa nangyari sa atin last month? Umiling lang ako sa kanya at hindi na sumagot. Isang buwan… Ganyan na pala katagal mula nang maranasan namin ang pagkakasangkot namin sa isang zombie attack na nangyari. Nang makarating kami ni Katana sa surrey ay hindi na kami nag-usa

