Chapter 14

1058 Words

Nanami Yoshino (Katana) Present time; Agad kong iniiling ang ulo ko upang alisin sa isip ko ang mga alaala na pilit pumapasok sa isip ko ngayong muli kong narinig ang pangalang matagal ko nang kinalimutan. Alaalang walang ibang dala sa akin kundi pagdurusa dahil sa mga hindi magandang bagay na aking naranasan mula nang makuha ako ng mga taong iyon. Hindi ko na dapat pang iniisip ang bagay na nangyari sa nakaraan dahil hindi naman iyong makakatulong sa kung ano ang kinakaharap ko sa kasalukuyan. Nang marating ko ang kinalalagyan ng mga zombie ay agad ko nang inihanda ang sarili ko sa gagawin kong pagsugod. Ngunit bago pa ako makakilos ay agad kong namataan ang isang grupo ng mga lalaki na may dalang armas na palapit sa pinagkukumpulan ng mga zombies. Tahimik lang ang paglalakad nila

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD