Nanami Yoshino’s Pov (Katana) Ten years ago… or so they thought. Tahimik akong naghihintay na tawagin ang eroplano na sasakyan ko pero sa totoo lang ay kanina pa ako naiinip dahil halos dalawang oras na din ang nakakaraan ngunit hindi pa din nababanggit ang eroplano na papunta sa Valier Kingdom. Ilang beses na din akong nagtanong sa mga staff ng airport pero wala naman silang maisagot na matino sa akin at puro paumanhin lang sila dahil sa delayed flight na nararanasan ko ngayon. Ni wala din akong masagap na balita kung ano ba talaga ang nangyayari pero kita ko ang pagiging aligaga ng mga empleyado ng buong airport. At hindi ko nagugustuhan ang mga nangyayari ngayon. Agad kong kinuha ang wallet ko para malaman kung magkano ang laman nito at napailing na lang ako nang makitang iilang p

