Nanami Yoshino (Katana) “Talaga bang pupunta ka doon?” tanong ni Ashen nang ipaalam ko sa kanya kung ano ang naging usapan namin ni Lychee kanina. “Paano kung hindi mo kayanin ang ipapagawa niya sayo.” “Don’t worry too much,” sabi ko tsaka tinapik ang braso niya. “Hindi ko pa man lubusang kilala ang lalaking iyon ay nasisiguro kong hindi siya hihingi ng kapalit na hindi ko magagawa.” “At paano ka naman nakakasiguro doon?” tanong ni Xhylem na kausap namin ngayon via video chat. Nandito pa kasi kami ni Ashen sa school at nasakto lang na pareho ang vacant time namin dahil wala ang professor nila sa mga oras na ito habang lunch time ko naman kaya naisipan naming magkita. Habang si Xhylem naman ay abala sa pagbabantay kay Vierra na ngayon ay nagpapakasarap sa pagsha-shopping ng kung anu-an

