Nanami Yoshino (Katana) At dahil nakapangako ako kay Ashen at Xhylem na tutulungan ko silang makuha ang impormasyon na kailangan nila kay Lychee ay nandito ako ngayon sa harap mismo ng student council office. Medyo nag-aalangan pa talaga akong kumatok at harapin ang lalaking iyon dahil hindi pa ako tapos sa pag-iisip ng mga bagay na posible niyang hilingin para sa pabor na hihingin ko. Pero wala na naman akong ibang pagpipilian dahil nandito na ako at hindi na din ako maaaring umatras pa. Kaya akma na akong kakatok sa pinto ng bigla itong bumukas at agad na bumungad sa akin ang mukha ni Lychee. “Miss Light,” aniya. At tulad ng inaasahan ay agad siyang ngumiti nang makita ako. “Is it a coincidence o talagang sinadya mo ako dito?” Lihim akong napaismid. Hindi ko alam kung bakit ganito

