Nanami Yoshino (Katana) Lihim akong napamura nang mabugaran ang pagmumukha ni Xhylem paglabas ko pa lang ng bahay. Bakas pa ang matinding saya sa kanyang mga mata habang ikinakaway sa akin ang dalawa niyang kamay habang ang kapatid naman niyang si Ashen ay nakasimangot sa gilid niya. “What the hell are you doing here?” taas-kilay kong tanong sa kanya. Sandali akong bumaling kay Ashen at nginitian ito ngunit nang muli kong ibinalik ang tingin kay Xhylem ay agad naglaho ang ngiti ko at muli siyang tinaasan ng kilay. “Ouch.” Maarte niyang hinawakan ang kanyang dibdib na para bang may kung anong tumama doon. “Huwag mo namang harap-harapang ipamukha sa akin na ayaw mo akong makita at si Ashen lang ang gusto mong makasama.” Napailing ako. “Ang arte mo.” Hinawi ko siya at nagsimula nang magl

