Chapter 44 Peay Madrid Lee "Bakla, nanganak ka lang at hindi nabaldado. Need mong lumanghap ng hangin. Hindi mo na ba na-miss ang hacienda at ang amoy ng tae ng baka?" sabi ni Vanna habang tawa pa nang tawa. "Namo Vanna. Sige, kapag gumaling na ang tahi. Alangan naman na humada agad kami papunta diyan. Need ko muna magpahinga," wika ko habang itinuturo sa anak ko yung nakalimutan niyang sagutan. "Osige, pahinga ka na forever. Goodbye," asar niya. "Aba, tapang nito a. Sabunutan ko kilay mo. Usto mo yorn?" tanong ko. "Charot ko lang Peay. Sige na, need ko ng makipag loving sa asawa ko," sabi niya at saka na niya ako binabaan. Napaka atittude talaga ng bruha na ito. Napailing na lang ako sa kanya. Sabagay, kakamiss din namna ang barrio. Imagine ha? Ang tagal ko ring hindi nakakalanghap

