Chapter 45 Peay Madrid Lee Kinabukasan ng umaga ay nagising ako sa umiiyak na si Preed. Kaya naman pinadede ko ito habang nagpapalit ng diaper. Sobrang sakripisyo ang pagiging ina. Kaya igalang natin ang mga magulang natin. Hindi na rin ako nakatulog kaya namna bumaba na kami ng anak ko. Tulog pa yung mag ama sa kama. Kaya kami na lang ng baby ko ang bababa sa sala. "Anong masamang hangin ang nagtulak sa iyo Vanna. Aga nating nagising a?" Naabutan ko kasi ng bruha n nagluluto sa kusina. "Ay, bawal na ba sister? Wala na ba akong karaptan mag bagong buhay ha?" drama niya sa akin. Sarap sungalngalin gamit ang hawak niyang spatula. "Patingin ka ng niluluto mo. Baka abo ang almusalin namin ha?" biro ko sa kanya. Inirapan lang ako ng bruha. "Huwag mong okrayan ang mga pinirito ko ha? Diya

