Chapter 52 Peay Madrid Lee Ngayon yung araw na pakiramdam ko, hindi ako ganoon kamahal ng Diyos. Leaving me no choice, but to be frustrated inside of my kitchen. Kanina pa pasulyap-sulyap ang mga staff sa akin. They might be thinking na nababaliw na ako. "Hindi mo ba lalabasan iyon boss, parang leche flan na lang ang kulang sa binili at in-order ng asawa ninyo a?" sita sa akin ni Sand. Bakit mas may alam pa siya sa akin, ha? "Hayaan mo siya diyan. Choice niya iyon, hindi ko naman siya inutusan na mag-order ng pagkarami-dami. At bahala siya kung ma-empacho siya. Malay ko rin kung may hinihintay siyang ka-date. Pakisabihan niyo na lang ako kung naglaho na siya rito, ha? I don't want to see his face," mahabang linya ko sa kanya. Kamot ulo naman ang babae." Eh, boss, kayo naman kasi ang h

