11

2424 Words
Kinabukasan, maaga pa lang ay nasa gym na si Ricky para maglight work-out. Nagwarm-up stretch muna sya bago humawak ng cudgelstick na nasa rack.   Nasa kalagitnaan sya nang kanyang routine nang may isang lalaking naka-bonnet ang mukha na umatake sa kanya. Napakabilis nito pero nailagan nya ang saksak ng espada na muntik na makasugat sa kanya.   Nakaagwat si Ricky sa lalaki na muling umatake.   "Sino ka?" tanong nya pero imbis na sagutin nya ang tanong ay inatake sya muli nito.   Sa gitna ng sagupaan ay nabitawan ni Ricky ang cudgelstick nya nang tamaan ang braso nya nang isang palo na hindi nya inaasahan. Natatapatan sya nang kalaban nya at nahihigitan sa mga pag-atake. Basang-basa nito ang galaw nya.    "Sino ka?" tanong nyang muli pero umatake muli ang kalaban nya.   Hinihingal na sya at napapagod.   'Hindi pwede ito,' ani Ricky sa sarili.   Kusa syang umilag sa mga atake na ibinato sa kanya.   'Hindi na ito laro,' aniya.   Naramdaman na lang nya na may lumabas na isang punyal sa kaliwang kamay nya. 'Kailangang lumaban,' wika ni Ricky.   Sa pagkakataong iyon ay sumugod na sya para umatake. Basang-basa pa rin ng kalaban ang kilos nya kaya napilitan syang magpalit ng estilo. Naramdaman nya na naglabas ng init ang katawan nya na nagpakalma sa kanya. Nagbago muli ang estilo ni Ricky kaya nagulat kalaban nya. Mas pulido at mabangis ang mga atake nya. Mas nakakatakot ang galaw nya at mabilis kilos nya na halos hindi na makita nang kalaban nya. Isang ulos na tatama sana sa puso ng umatake ang nasangga ni Alexi. Huling tirang ni Ricky iyon.   Nagsalita si Alexi sa lengwaheng Vallian.   "Sieda (Stand down)!" utos ni Alexi.   Lumayo si Ricky at binaba ang punyal na hawak nya. Hingal na hingal iyon, maya-maya'y kusang nawala ang punyal at lumuhod sya sa isang tuhod.   "Hindi mo ba nakita ang nangyari?" tanong ni Alexi.   Tinanggal ni Steve ang bonnet nya.   "Nakakatakot syang kalaban," hinihingal na wika ni Steve.   "Muntik ka na!" napapailing na sambit ni Alexi.   "Ano pong ibig nyong sabihin?" tanong ni Steve.   Nilapitan ni Drew si Ricky.   "Ricky, are you okay?" tanong ni Drew.   Nahimasmasan si Ricky at tumango.   "Muntik ka na nyang mapatay, Steve. Wala na sa sarili ang kalaban mo. Mas mapanganib sya kalaban lalo na gamit na nya ang Dragon Dagger," paliwanag ni Alexi.   "Paano po nangyari 'yun?" tanong ni Steve.   "Hindi man nya naaalala pero his instincts has taken over his body. He is not in full 100%, kagagaling lang nya sa sakit. Tandaan mo na miyembro sya nang Royal Elite Guards. Mataas ang ranggo nya at nasa special unit sya nakadestino," sabi ni Alexi habang pinapanood tumayo si Ricky sa alalay ni Drew.   Lumapit sina Steve at Alexi sa dalawa.   "I'm sorry Sir. Hindi ko kayo nakilala," ani Ricky kay Steve at Alexi.   Nakahawak sya sa sentido nya.   "Wala kang dapat ihingi ng tawad. Nakita ka namin kanina kaya napagkasunduan namin na subukan ka," salo ni Steve.   Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin," mahinang sagot ni Ricky na halatang tulig pa nang kaunti.   "Napakahusay mo nga talagang lumaban. Tama nga si Eagle. Hindi na ako nagtataka," ani Alexi.   "Si Eagle po? Magkakilala po kayo ni Eagle?" tanong ni Ricky.   "Oo. Dumating sila dito para personal na dalhin ang balita na nakarating sa Sentro sina Kuya Ren at ang prinsesa," paliwanag ni Drew.   "Mabuting balita nga po iyan," napangiting wika ni Ricky.   "Baka makabalik sya kaagad pagkatapos ng pang isang misyon. Ipinasasabi nya na ingatan mo ang sarili mo," lahad ni Alexi sabay hagis ng isang bagay na sinalo ni Ricky.   "Ano iyan?" tanong ni Drew na napakunot ang noo.   "Isang utility knife po," sagot ni Ricky, "May kasunduan po kami ni Kuya Ren na kapag nakarating sya sa Sentro na ligtas ay ipapadala sya sa akin ang isang personal na bagay. Ipinadala ko po sa kanya itong utility knife ko noong umalis sya. Katunayan po na maayos sya," na napaupo.   "Masyado mo namang pinuwersa sarili mo kanina. Hindi ka pa nga nakaka-recover sa nangyari. Ang bilin sa'yo ay light work-outs lang," ani Drew na tinulungan si Ricky na tumayo.   "Mabuti pa ay puntahan na natin si Commander Anton at naghihintay na iyon sa atin," yaya ni Alexi.   Sama-samang nagtungo ang apat sa Command Center kung saan naroroon si Anton.   "Commander," bati ni Alexi na kinamayan si Anton bago niyakap.   "Long time no see Sir," ngiting bati ni Anton na gumanti ng yakap.   "Magkakakilala po kayo?" tanong ni Drew na nagtataka.   "We went to school together same class. Sabay kami pumasok sa Academy. Nagkahiwalay lang kami sa trabaho," paliwanag ni Anton.   "He's right. We literally grew up with each other. Nataon na we work at the same side," dugtong ni Alexi.   "Maupo kayo," alok ni Anton sa mga dumating.   "Eagle task me to deliver his to you," wika ni Alexi na may isang sulat na inabot kay Anton,"FYE code yan. May radio silence kasi ngayon para di matiktikan," habang binabasa ni Anton ang sulat.   "Kaya pala nakapagtataka kung bakit ikaw pa mismo ang nagdala ng sulat," wika ni Anton na naging seryoso ng mabasa ang sulat.   "Bukod sa gusto kitang makita, nais kong mapag-usapan 'yang laman ng sulat," singit ni Alexi na ngumiti.   "Boys, please escort Steve sa pantry. Nagluto si Nana nang something na magugustuhan nyo. We have matters to discuss ni Alexi. Ipapatawag na lang namin kayo kapag tapos na," utos ni Anton.   "Sige po;" anang tatlo.   "Sumama ka sa kanila, Steve. Kumain ka na, matagal na byahe uli tayo pagkatapos nito." sabi ni Alexi kay Steve.   "Yes Sir," tugon ni Steve.   Lumabas ang tatlo nang kwarto.   Ilang minuto pa bago sila tuluyang nagsalita.   "Totoo ba ito?" tanong ni Anton na nababahala.   "Oo. Kung pinanood mo ang monitor sa gym kanina gaya nang pinasabi ko sa tao mo ay nakita mo rin," seryosong bulalas ni Anton, "Napanood ko at kinilabutan ako sa nakita ko kanina. Hindi ko inakala na nasa poder natin sya."    "Sina  Ren at General Emir lang ang nakakaalam kung nasaan ang prinsipe. Ayon sa balita kasama nila si RIcky noong mga oras na iyon," salaysay ni Alexi.   "Nakakapangilabot ang galaw ni Ricky. Walang hesitation ang mga atake nya. Tatak ng Royal Guard. Kahit kagagaling lang nya ng sakit ay hindi mo mahahalata ang kondisyon ng katawan nya," hindi makapaniwalang sabi ni Anton.   "Pangalagaan nyo muna sya habang hindi pa tuluyang bumabalik ang alaala nya. Maswerte sya at nakaligtas sya. Matutuwa si General Emir sa balitang natagpuan at nasa pangangalaga nyo si Ricky. sya ang protegé ng Commander Emir. Masyado syang nag-alala noong nawala sya. Luluwag na ang dibdib nya ng kaunti," wika ni Alexi.   "May isang balita rin na may nakitang isang batang lalaki na natagpuan sa San Luis district sa labas ng LeValle. Kinupkop sya nang isang matandang lalaki simula noon. It fits the description noong isa sa kambal na hinahanap natin," balita ni Anton. "I'll inform them tungkol doon. Ipahahanap na namin sya kaagad," wika ni Alexi.   "Eagle will confirm the information. As soon as maayos na ang security details ng prinsesa. Nagkita na ba sina Eagle at Emir?" tanong ni Anton.   "Hindi pa. Nasa labas pa si Commander Emir ihinahanda ang resistance. sya rin ang nangunguna sa paghahanap sa mga prinsipe. By the way, ngayong natagpuan na sya, nagtalaga kami nang isang shadow para subaybayan sya," tugon ni Alexi.   "Mabuti. Nitong mga nakaraang araw ay may mga pagtatangka na sa buhay nya," wika ni Anton.   "Huwag kang mag-alala hindi nya mapapansin at mararamdamang sumusubaybay sa kanya. Ang mga shadows ang mga Royal Guards na palihim na sumusunod sa Royal Family. Kahit ang mga Prinsipe na matalas ang pakiramdam ay hindi sila nakikita at nararamdaman," ani Alexi.   "Kayo ang bahala," wika ni Anton,"Halika na. Puntahan na natin sila para makakain ka din bago bumalik," dugtong nya.   Samantala, habang nag-uusap sina Anton at Alexi, patungo naman sa Commissary ang tatlo. Nakaupo na sila sa lamesa. Tahimik si Ricky noon, kaya nagtanong si Drew.   "Kailan ka pa natutong mag-summon?" tanong ni Drew.   "Summon? Wala naman akong sina-summon," takang tugon ni Ricky.   "Summon. Pagtawag sa weapon na kailangan sa labanan. Isang kakayahan sa LeValle ang mag-summon," paliwanag ni Steve.   "Naramdaman ko lang na nasa kamay ko na ang punyal noong kelangan ko. Hindi ko maalala na nag-summon ako," sabi ni Ricky.   "Kahit ano pwede nyo i-summon?" tanong ni Drew.   "Hindi. Karaniwan ang tanging natatawag lang sa Summon ay ang mga sandata na namarkahan na nang gagamit. Pero may mga taong kayang i-summon ang lahat ng weapons na available," wika ni Steve,"Hindi rin pwedeng basta-basta mag-summon. Nakakaapekto sa lakas ang pagsa-summon. Ang isang magaling na mandirigma ay hindi uubusin ang lakas nya sa pagpapalit ng sandata bagkus sa kalaban nya," dugtong nito.   Maya-maya ay dumating si Mike na ngiting-ngiti.   "O anong meron? Parang Pasko lang ang ngiti mo," biro ni Drew.   "I've got news," masayang sabi ni Mike.   "Mukhang magandang balita kasi hindi masyadong halatang excited ka," ani Drew na natatawa.   "Dumating na ang results nung foreign exchange program evaluation. At nakuha tayong tatlo para maging representatives ng school. Aayusin lang daw ang details at ita-transfer daw tayo sa University of Valle next week," balita ni Mike. "Good news nga iyan. Congratulations. Ang University of Valle ang isa sa pinakaprestihiyosong school in terms of technology. Mukhang mapapaaga ang balik nyo sa Ark," bati ni Steve na ngumiti.   "Mabibisita na rin ulit natin si Madam Anne," masayang wika ni Drew.   Dumating sina Anton at Alexi. Umupo sila sa lamesa ng grupo.   "Anong meron? Mukhang masayang masaya kayo," usisa ni Anton sa grupong dinatnan.   "Natanggap po kami sa foreign exchange program ng school. Ipapadala po kami sa University of Valle next week for a semester," balita ni Drew.   "Congratulations, Boys. Well done," bati ni Alexi.   "Itinuloy pala nila despite the threat of war. Magandang pagkakataon yan," sambit ni Anton.   "Ang problema po ay yung tutuluyan namin. Magsisimula na po kasi ang semester at mukhang mahihirapan kaming maghanap ng tutuluyan na malapit sa University," napakamot sa ulo ni Ricky.   "As a congratulatory gift, I'll be arranging your accommodations there. I have someone who could use company dun. Malapit lang sa University of Valle ang lugar nya," wika ni Alexi.   "Nakakahiya naman po. Baka po makaabala po sa kanya ang pagtigil namin doon," ani Mike.   "She loves company. I'm sure she will see no bother at all," wika ni Alexi sa tatlo.   "Sasabihin ko po sa kanya pagbalik natin. Matutuwa po sya kapag nalaman ang tungkol sa kanila," dugtong ni Steve na nakangiti.   "She'll be ecstatic when she hears the news," ani Alexi,  "We'll need to be going, Anton. It was nice to see you again, also you boys. Magkikita tayong muli sa LeValle."    Tumayo na sina Anton, Steve at Alexi.   "Mag-ingat po kayo," anang tatlo.   "Kayo rin. Good luck sa University of Valle. Brush up on your LeVallian lingo," bilin ni Alexi na kumindat.   Natawa si Anton.   "Pakisamahan sila  sa launch pad, Drew. Mag-ingat kayo," utos ni Anton.   Pagkaalis ng tatlo. Hindi napigilan ni Anton ang tawa nya.   "Bakit natatawa ka Kuya?" tanong ni Drew.   "Wala throwback lang hahaha," natatawang sagot ni Anton, "Muntik ko na maibenta ang sarili ko sa Valle. Buti na lang dumaan si Alexi noon at itinraslate ang sinabi ko. sya rin nagturo sakin mag-Vallian."   "Kaya pala," sabi ni Mike na natawa.   "Kanina ka pa tahimik Ricky. May problema ba?" tanong ni Anton.   "Nagu-guilty po ako. Muntik ko na masaktan si Steve kanina," nakayukong tugon ni Ricky na tila nahihiya.   "Sinubukan ka nya kanina. Natural na masasaktan mo sya," katwiran ni Anton.   "Muntik ko na po syang mapatay," wika ni Ricky.   "Hindi mo sya mapapatay," tutol ni Mike.   "Paano mo nasabi yun, Mike?" tanong ni Ricky.   "Tingnan mo ang video na nakuha ko kanina. Akala ko ay mapapatay mo si Steve pero noong napanood ko ito nagbago ang isip ko. Nasangga man o hindi ni Captain Alexi yung ulos mo ay hindi rin sya masasaktan," sagot ni Mike na nilabas ang tablet nya at binuksan ang video.   "Saan mo nakuha ang video na iyan?" tanong ni Anton na nakatingin ng masama kay Mike.   "Sa isang kaibigan po sa security. Kanina pa nilang pinapanood," sagot ni Mike.   "Sa susunod na malalaman kong naglalabas kayo ng footage na katulad nito ay sususpindihin ko na kayo," banta ni Anton.   "Hindi na mauulit Sir. Next time ako na po mismo ang kukuha ng footage," pabirong wika ni Mike.   Marahang binatukan sya ni Ricky na napailing. Inulit ni Mike ang video. Makikita ang video ni Steve at Ricky na naglalaban. Nakita din sa video ang ulos ni Ricky na napigil ni Alexi. Inulit ni Mike ang video ng slow motion. Doon nila nakita na may bumalot sa talim ng punyal ni Ricky. Binaliktad din ni Ricky nang palihim ang talim ng kutsilyo. Kung sakaling tatama iyon ay ang mapurol na bahagi ng kutsilyo ang tatama sa dibdib ni Steve bago nasangga ni Alexi.    "May kakaibang binalot sa punyal bago mo pa ito pakawalan," habang pinapakita ni Mike ang video.   "Isang safety thread," nasambit ni Anton.   "Safety thread?" usisa ni Drew kay Anton.   "Narinig mo na ang tungkol dito, Ricky?" tanong ni  Anton.   Tumango si Ricky.   "Ang safety thread ay isang aura na pumapalibot sa isang sandata para protektahan ang kalaban," paliwanag ni Ricky, "Usually ginagamit ito sa training ng elite forces para magamay ang sandata, magamit ito nang maayos, at malaman ang weakness ng sandata at tehnique ng gumagamit ng sandata. Ang mapanganib lang ay kapag nawala sa concentration ang naglagay ng thread, malamang mamatay ang kalaban nya," dugtong nya.   "Unconsciously nalagyan mo nang safety thread ang punyal Ricky," sang-ayon ni Anton.   "Alam mo nakakaloko ka para sa isang may amnaesia marami kang impormasyong alam," pabirong wika ni Mike.   "Hindi ko alam. Basta na lang sumusulpot ang mga info sa utak ko. Kung ganun lang ang mga alaala ko," ani Ricky na nagulat din sa sarili.   "One step at a time Ricky. One step at a time," payo ni Anton.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD