bc

THE RISE FROM ASHES (DAWN OF THE PHOENIX Series 1)

book_age16+
828
FOLLOW
2.3K
READ
adventure
powerful
decisive
student
royalty/noble
bxg
magical world
high-tech world
secrets
superpower
like
intro-logo
Blurb

Kaguluhan. Dugo.

Ito ang gumigising Ricky sa bawat gabi. Hindi nya alam kung bakit pero nababahala sya at naguguluhan kung bakit.Lahat ng ito ay nagsimula ilang buwan na mula ng aksidente.

Wala syang maalala sa nakaraan nya, maliban sa kakaibang kwintas na suot nya..

chap-preview
Free preview
IN THE BEGINNING
IN THE BEGINNING         Emir's POV              Kaguluhan. Putok ng baril, pagsabog at amoy ng dumadanak na dugo ang bumabalot sa hangin. Mabilis kaming tumakbo papunta sa gubat papalayo sa panganib.               "Bilis, Kamahalan. Kailangan ninyong makatakas," alertong sabi nya sa likod habang tumatakbo kami palayo sa kaguluhan.       Tumigil ang prinsipe.               "Pero paano po ang mga kapatid ko, sina mama at papa. Kelangan ko sila tulungan, Kuya Emir," anito.               "Tandaan nyo po ang bilin ng inyong papa?" paalala ng kanyang matapat na bantay.               'Patay! Nasundan nila kami,' sabi ko na tumingin sa kanya bilang warning na nasundan kami, "Kamahalan!"       "Huwag nyo na subukan pang tumakas. Sumuko na kayo!" sabi ng isang kalaban na humarang sa amin.       Si Yoske. Mukhang kanina pa nila kami sinusundan.   "Wala kaming balak sumuko sa mga taong tulad nyo," matapang na sagot ng prinsipe na pumormang palaban.       Kelangan ko maitakas ang prinsipe, kahit anung mangyari.           "Kamahalan, mauna ka na. Susunod ako sa'yo," sabi ko sa prinsipe habang nag-fighting stance na ako.           "Pero Kuya Emir..." tutol ng binatilyo.           "Huwag matigas ang ulo.," putol ko sa sinasabi nya, "Naalala mo yung pangako mo, 'di ba?"               Nagdalawang-isip siya bago tumango. Paalis na siya ng bigla siyang hinarang ni Imura at iba pang mga kasamahan ni Yoske na nakahabol na sa kanya.           "Sugod. Hulihin nyo ang mga yan!" utos ni Imura, habang si Yoske ay tatawa-tawang nanonood kay Imura at mga kasamahan nila.           "Ako na ang bahala sa isang 'to," tinutukoy ko si Imura.               Lumaban kami ng prinsipe ng mano-mano. Sa liksi at galing halos mapantayan nya ako kahit masiyado pa siyang bata.                   Isa siya sa pinakamahusay na tauhan na nai-train ko. Ayaw pa sana siya payagan nang pinuno ng Hukbo na sanayin pero mapilit at pursigido siya. Hindi ko inaasahan na makakaya nya ang training at mabilis naman nyang natutunan ang mga tinuro ko. Hindi ko rin inasahan na mamumuhay siyang tulad ng isang karaniwang kawal, ayaw nya na VIP siya. Isa siya pinakamagaling at sa pinagkakatiwalaang gumawa ng mga pinakamahihirap na misyon. Ok na sana bago umatake ang mga Greems at sinubukang sakupin ang kaharian.               'Focus!' sabi ko sa isip ko habang patuloy ang prinsipe sa paglaban nang hindi nya napansin si Yoske na tumawag nang bow at arrow na itinutok nya sa prinsipe.               "Kamahalan, pana sa itaas!" sigaw ko.               Umilag siya pero nadaplisan siya sa noon dahil medyo huli na mapansin nya. Kaagad siyang lumapit ng mabilis sa pumana sa kanya. Gamit ang kanyang punyal ay binato nya iyon kay Yoske pero bigla itong nakailag.       Lalapit sana ako sa prinsipe para tanungin kung ayos lang siya.               "Kuya sa likod mo!" sigaw ng prinsipe.       Bigla ako napalingon ng makita ko si Yoske na palapit sa akin galit na galit.               "Magbabayad kayo!" bigla siyang nagsummon ng fire blade at mabilis na sumugod palapit sakin.           Hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari. Biglang nag-summon ng shield ang prinsipe at pinalibot sa akin. Tumalsik si Yoske sa impact ng kanyang pagsugod ngunit bumagsak siyang nakaluhod. Hinarap ko si Imura habang mabilis namang lumapit sa akin ang prinsipe.               "Kuya, ok ka lang?" tanong nyang nag-aalala.           "Magaling, Kamahalan pero hindi ka pa rin makakatakas," wika ni Yoske na nang-aasar at nakangisi.               "Oo salamat," tugon ko.       Inilabas ni Imura ang fire blade nya.               "Sige na. Ako na ang bahala sa kanila. Umalis ka na. Binuksan ko na ang portal. Puntahan mo si Eagle. Dalhin mo ito. Alam na nya ang gagawin at ibig sabihin nito," bilin ko.   Nagdadalawang-isip ang prinsipe pero napalitan iyon ng sapilitang pagsunod ng sinabi ko.               "That an order!" sigaw ko sa kanya.               Tumango ang prinsipe. Tumakbo na siya palayo, saglit na tumigil at lumingon muli sa akin bago ako tuluyan iniwan. Hinabol siya ni Yoske.               "Ako ang katapat mo," harang ko sa kanya para makalayo ang Kamahalan.           Sumugod muli si Imura at muli kaming naglaban habang isinangga ko sa fire blade nya ang aking summoned staff. Konti na lang sabi ko sa sarili ko ng mapansin ko na malapit na kmi sa banda kung saan naroon ang portal.         Nagpalitan kami ng atake habang sinusubukan din ni Yoske na atakehin ang prinsipe pero napigilan ko siya gamit ang kapangyarihan ko. Tinamaan ako ni Imura sa braso ng daplis pero dahil sa lakas ng impact ng pagsugod nya at marahil sa pagod ko ay nawalan ako ng balanse. Hindi ko napansin na nalapitan ni Yoske ang prinsipe para atakehin. Napapalaban ang prinsipe at mukhang nasaktan siya.                 'Kailangan ko na tapusin ito nanganganib ang prinsipe,' sabi ko sa sarili ko.               Tinawag ko ang aking magical creature na si Yuna na ang anyo ay isang leon na nag aalab na apoy ang kanyang fur.                   "Yuna protektahan mo ang prinsipe!" utos ko.   Sumunod ang leon at umatake kay Yoske.   Nakalmot ni Yuna si Yoske na galit na galit at saglit na lumayo.               "Magbabayad kang pusa ka," banta ni Yoske kay Yuna na biglang umatake.   Nasaktan si Yuna at nawalan ng malay.           "Ngayon Kamahalan, mamamatay ka," nagpalit ng weapon si Yoske mula pana sa isang espada at inangat sa ulo nya iyon para tapusin na ang prinsipe pero nasangga iyon.               " 'Wag iyan ang pagdiskitaan mo, Yoske. Nakalimutan mo agad ako," wika ng isang binata na kararating lang.                  "Captain Alexi!" wika ng prinsipe.                   "Alexi," banggit ko sa pangalan nya habang kaharap ko si Imura na malala na ang sugat na natamo sa mga atake ko.               "May party pala dito. Hindi mo naman ako niyaya, Commander?" pang-aasar ni Alexi               "Alexi, ilayo mo na ang prinsipe. Masama ang tama nya. Ihatid mo siya sa kabilang waypoint," seryosong utos ko.   Tumango agad si Alexi.               "Tayo na!" na inalalayan ang prinsipe patayo.   Biglang umatake muli si Yoske na nasangga naman ni Alexi.               "Tawagin nyo po si Yuri, Kamahalan," utos ni Alexi.               Tinawag ng prinsipe ang magical creature na bantay nya si Yuri. Isang naglalagablab na phoenix ang lumabas at nagbantay sa kanya. Binalikan ko ang prinsipe at Alexi nang umatras si Imura. Naramdaman ni Yoske na dehado siya kaya bago siya umatras, naging pana ulit ang hawak nya tumira siya ng dalawang magkasundo na pana.               "Electric arrow!" sigaw ni Alexi pero huli na ang lahat ng kumalat ang kuryente at nakuryente kami ng pana.           Sabay kaming bumagsak ni Alexi at hindi na halos makagalaw sa sakit.           "Paalam hahaha!" wika ni Yoske.           Tumira muli ng isa pang pana si Yoske. Isang bomba na may 10 second timer bago siya tumakas.               "Alexi shield! Protektahan ang prinsipe," utos ko.               Bad trip wala na halos ako lakas pero kelangan bumangon. Hindi ako makagalaw. Bago pa tuluyang sumabog ang bomba pumuwesto sa harap sina Yuna at Yuri para protektahan kami. Pero sa sobrang lakas ng bomba ay tumalsik kami palayo.               After ng impact, hinanap ko ng tingin ang prinsipe at nakita ko na halos wala na itong malay at duguan ang ulo at katawan. Pinilit ko pa ring tumayo pero bibigay na ang katawan ko at di na ako makagalaw. Si Alexi naman ay nawalan ng malay ng mauntog sa puno dahil sa impact.               With my final strength, I commanded Yuna to dispel the prince before other opponents arrived. I knew of the danger of crossing the portal that the brain and the body were not in condition but decided to push it to just save him. I knew that a few moments later that the rest of their companions would come. When the prince crossed the prince, the portal was shrinking around the same time as darkening.     The Prince's POV               Sobrang sakit ng pakiramdam na parang sinusunog ang aking laman ng pumasok kami ni Yuna sa portal. Mababaliw ako sa sobrang sakit. Hindi ko na yata kaya. Ilang saglit pa ay nakalabas na kami at nakahinga ako ng maluwag.           Kailangang hanapin ang taong iyon, kailangan ko siya makita. Pinilit kong tumayo kahit pakiramdam ko ay babagsak na ang aking katawan           "Yuri!" tawag ko. Lumabas muli ang phoenix.           "Lumayo na tayo dito." utos ko.               Nilipad ako ni Yuri palayo patungo sa base. Malapit na rin maubos ang aking lakas kaya naramdaman ko na nanghina na rin si Yuri. Inutos ko na lumapag na kami eksakto naman siya na nawala. Naglakad ako hanggang sa makita ko na ang isang lalaki na pamilyar sa akin.               "Eagle!" wika ko bago ako tuluyang nawalan ng malay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SECRET AGENTS AND COLD HEART

read
181.1K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
77.8K
bc

The Last Battle

read
4.0K
bc

DEYANIRA (His Secret Agent)

read
44.9K
bc

My Secret Agent's Mate

read
122.4K
bc

The Dark Psycho Angel(TAGALOG)

read
83.8K
bc

My Nerd Wife Felicie.MATURE CONTENT. (TAGALOG ROMANCE)SPG

read
113.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook