Eagle's POV
Kinakabahan ako dahil hindi pa sila dumarating.
"Wala pa ba sila, Anton?" tanong nya.
"Negative pa po, Sir," tugon naman ni Anton.
Maya-maya pa ay,
"Sir, may nadetect po kami na movement 9 o'clock," wika ni Anton.
Ihinanda namin ang aming sarili para mapalaban ngunit nagulat lang kami sa aming nakita. Isang binatang duguan ang aming nakita. Patakbo akong lumapit sa kanya.
"Ricky, anong nangyari?" tanong ko.
"Tulong.." mahina nyang wika habang inaabot ang isang bagay bago siya tuluyang nawalan ng malay.
"Anton, tumawag ka sa Infirmary. Kailangan na nating bumalik, marami nang dugo ang nawala sa kanya," utos ko.
Dinala namin si Ricky sa Infirmary at kaagad Operating Room. Matapos ng ilang oras na pagsusuri at paggagamot, lumabas ang doktor na kaagad naman sinalubong namin siya.
"Doc, kamusta naman ang pasyente?" tanong ko.
"Ligtas at stable na siya. Marami siyang tama at sugat. Hindi pa siya nagkakamalay dahil sa malakas na tama nya sa ulo. May nakita kaming trauma sa ulo nya at hindi pa natin alam ang magiging epekto nun sa kanya. Nailipat na siya sa recovery room para maobserbahan. Don't worry matatag na bata ang pasyente," paliwanag ng doktor.
"Salamat doc," wika ni Eagle.
Dalawang araw ang lumipas, stable na ang kalagayan ni Ricky pero di pa rin ito nagigising.
"Sir nagkakamalay na siya," balita ng isa naming tauhan.
Tumakbo ako sa Infirmary Room na may halong excitement at tuwa. Pagdating ko dun ay lumapit ako sa kama ni Ricky. Unti-unti na siyang nagigising. Pagmulat ng mata nya ay bigla ko itong nakitaan ng takot sabay lumingon sa paligid. Bigla siyang bumangon at tinanggal ang swero nya.
"Huminahon ka. Calm down, your safe," paniniguro ko na sinenyasan ang nurse na noo'y nagche-check ng vitals nya.
Napahawak sa ulo ang binatilyo na natumba. Kaagad ako lumapit bago siya tuluyang bumagsak sa sahig at inalalayan siya pabalik sa kama.
"Nasaan po ako?" tanong ng binata nang nakahiga na ito sa kama.
"Nasa hospital ka ng base, Ricky. Ligtas ka dito." sagot ko.
"Ricky? Si-sinong Ricky? Sino po kayo?" Tanong nya.
Ricky's POV
Sobrang sakit ng ulo ko. Hindi ko alam kung bakit pero parang ang haba ng tinulog ko at may mga naririnig ako mga boses na nagkakagulo at isang napakaliwanag na ilaw. Pagmulat ng mata ko ay hindi ko alam kung nasaan ako. Isang binata ang nasa tabi ng aking kama at kahit hinang-hina ako ay bumangon ako at tinanggal ang tubo na nasa kamay ko.
Pinangunahan ako ng takot dahil wala akong ideya kung nasaan ako.
"Huminahon ka, Calm down, your safe," anang binata.
` Bigla akong nakaramdam ng sakit sa ulo ko at umikot ang aking pakiramdam. Hindi ko namalayan na natumba ako at kung hindi ako nasalo ng lalaki ay marahil bumagsak ako ng tuluyan sa sahig.
"Magpahinga ka muna. Hindi ka pa masiyado nakakarecover sa mga pinsala mo." wika nang binata na inalalayan ako pabalik sa kama.
"Nasaan po ako?" tanong ko.
"Nasa hospital ka ng base, Ricky. Ligtas ka dito," sagot ng binata.
Sa bihis nya halatang mataas na ranggo nya sa militar dahil sa mga medalya nya. Military cut ang buhok nya, medyo matangkad at mahinahon ang itsura nya. Dahil sa aura na yun, kumalma ako dahil sa hindi ko malamang dahilan ay pamilyar siya sa akin. Tinawag nya ako sa pangalang Ricky pero bakit parang hindi ko matandaan.
"Ricky? Si-sinong Ricky? Sino po kayo?" tanong ko.
Bakas ang pagkabahala sa mukha nya ng marinig nya ang huli kong tanong.
"Eva, pakitawag si Doc Santi," utos nito sa nurse.
Tumango ang nurse at dali- daling lumabas ng kwarto.
Maya- maya lang ay pumasok ang doktor. Sinubukan nyang ikabit ang swero sa kamay ko pero nag-alangan siya ng bawiin ko ang kamay ko. Malumanay nya kinuha ang kamay ko at nagsalita.
"Doc Santi tawag nila sa akin. Huwag ka mag-alala. Hindi kita sasaktan. Susuriin lang kita at ikakabit ang swero para tuluyan kang gumaling," aniya. Pumayag ako.
Ilang saglit pa sinuri nya ako at tiningnan ang vital signs ko. Tinawag nya sa isang sulok ang lalaking nakauniporme at mahina silang nag-usap bago muling lumapit sa akin.
"Sino po kayo?" tanong ko muli.
"Ako si Colonel Renan dela Cruz codename Eagle. Natagpuan ka namin sa gubat. Wala ka bang natatandaan?" tanong nya.
Sandali akong nag isip, sinubukan kong alalahanin ang nangyari pero wala talaga akong matandaan. Sino nga ba ako?
"Ricky? Si-sino po si Ricky?" tanong ko ulit na humawak sa ulo.
"Ricky ang pangalan mo. Hindi mo ba talaga natatandaan?" tanong ni Doc Santi.
Pilit kong iniisip at inaalala lahat ng impormasyong sinabi nila pero wala talaga akong matandaan. Lalong naguguluhan ang utak ko sa tuwing sinusubukan kong isipin kung sino ako. Biglang nakaramdam ako nang sobrang sakit mula sa ulo ko na napasigaw ako.
Hindi ko na sila makita dahil pakiramdam ko ay nabulag ako at walang makita dahil sa sobrang sakit na naramdaman ko. Tanging mga boses nila ang naririnig ko.
"Eva administer sedative kay Ricky," utos ng doktor.
Maya-maya ay naramdaman ko na parang may gumuhit na kirot mula sa kamay ko na may swero hanggang sa nawala ang nararamdaman kong sakit at bumibigat ang talukap ng aking mata.
"Kailangan mong magpahinga. Wag mo masiyado pwersahin ang sarili mo dahil mahina pa ang katawan mo. Magpagaling ka muna," sabi ng doktor. Pinipilit kong labanan ang antok dahil gusto ko malaman ang pinag-uusapan nila pero hindi ko na naiintindihan ang mga pinag-uusapan nila dahil sobrang bigat na nang mata ko.
"You are safe here. Magpahinga ka na," anang binata na malumanay.
Tuluyan na akong nawalan ng malay. Nagising ako ng hindi ko namamalayan ang mga oras na dumaan. Pinilit bumangon para umupo sa gilid ng kama. Ibinaba ko ang paa ko para ituon sa sahig nang dahan dahan saka ko sinubukang tumayo. Sa kaunting kilos ko ay pinawisan ako mabuti at hiningal. Bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si Colonel Dela Cruz. Nagulat siya nang makita nya akong nakatayo at mabilis na lumapit sakin para umalalay ng muntik na ako matumba.
"Kamusta ang pakiramdam mo, Ricky?"tanong ng sundalo. Si Col. Dela Cruz ,"Hindi mo pa dapat pinipilit ang sarili mo na tumayo mahina ka pa," dugtong nya.
"Medyo maayos na po pakiramdam ko.Salamat po Colonel," sagot ko.
"Pakiramdam ko po ay lalo ako nanghihina kapag nakahiga po ako," dugtong ko.
Inalalayan ako ni Colonel dela Cruz at inayos ang unan ko para maging komportable upo ko.
"Tawagin mo ko na Ren. Kuya Ren. Nandito ka sa apartment ko. Dito ka muna tutuloy pansamantala hanggang sa makarecover ka at makapagdecide ka sa mga susunod mo na gagawin," paliwanag ni Ren.
"Pasensiya na po sa abala," wika ko na hiyang-hiya, "Wala po talaga akong maalala sa nangyari. Kahit po kung paano ako nakarating dito," dugtong ko.
"You suffered from amnaesia sabi ni Doc Santi. Eventually maaalala mo rin lahat. Huwag mo lang madaliin," ani Ren na ngumiti.
Maya-maya ay may kumatok sa kwarto nila.
"Pasok," utos ni Ren. Pumasok ang dalawang binatilyo.
"Sir pinatawag nyo daw po kami?" tanong ng isa.
Makisig ang dalawang binatilyo na halos kasing-edad ko lang ata. Parehong may kataasan sa edad nila ang dalawa. Nakakagulat na sa batang edad ay mukhang may ranggo na kumilos.
"Ricky, sila sina Andrew Rochefort at Michael Rivera. Mga tauhan ko. siya si Ricky galing LeValle," pakilala ni Ren.
"Nice to meet you Ricky. Ikaw pala yung nakaligtas," ani Andrew.
"Anong balita ang dala nyo?" tanong ni Ren kay Michael.
"Eto po yung report namin, Sir," ani Michael, "Medyo negative pa po tayo sa subjects pero may mga bulung-bulungan na galawan underground."
"Salamat sa impormasyon. Sige na para makapahinga pa kayong dalawa," wika ni Ren.
Sumaludo ang dalawa bago labas ng pinto.
"Sila nga pala ay from Air Combat and Tactics Special Unit. Nagpapasok labas sila sa bawat lugar para kumuha ng impormasyon sa bawat misyon nila," ani Ren, "Sa ngayon magpahinga ka pa. Wala kang dapat alalahanin kung hindi ang pag-recover mo at pagpapagaling. Kung may kailangan ka andyan lang ako sa labas."
"Salamat po ulet," ani Ricky.